050 - Hari'y Sambahin

Hari'y sambahin, O buong langit;
Inyong awitin kanyang pag-ibig;
Matanda sa araw, ating sanggalang,
Maningning at lipos ng kapurihan.

Ang lakas Niya'y inyong saysayin,
Kanyang biyaya'y inyong awitin;
Balabal Niya ay kaliwanagan,
Ang pabilyon Niya ay kalawakan.

Ano ang maglalahad na dila
Ng pangangalaga Mong sagana?
Ito'y nasa hangi't nasa liwanag,
Nasa hamog, ulan, burol, lupang patag.

Sa Iyo'y ipinagtitiwala
Ang alabok, mahihinang bata;
Magiliw, matibay, 'Yong kaawaan!
Aming Manunubos, Sanggalang, Kaibigan!

0:00 0:00